- Hindi kasalanan ni Manny kung manalo sya sa pagkasenador; at huwag nyo ring isipin na dahil hindi nakapasok yung iniiisip nyong “mas deserving-senators” eh si Pacquiao na naman ang dapat sisihin. Bakit hindi nyo sisihin yung kandidato nyo kung hindi siya nakapasok; hindi lang sapat na may malalim kang adbokasiya; kailangan mo rin nang masusing plano at estratehiya para makuwa mo ang tiwala ng taong-bayan. In fairness, nagawa yun ni Manny kasi nasa top twelve sya ngayon; hindi yun tsamba or nagkamali lang ang taong-bayan sa pagpili sa kanya.
- Ang bumoto kay Mayor Duterte ay nasa 15 milyon, ang bumuto naman kay Manny ay nasa 15 milyon din, and he is ahead of Leila De Lima (As of May 10, 9 pm). Napakasimple, hindi naman siguro tanga o nagkamali lang yung 15 milyon sa pagboto sa kanya. Ibig sabihin din, hindi lang tumitingin sa scholastic achievement ang mga Pilipino, kundi sa kakayahan din nitong tumulong sa bayan.
- Totoo na maraming absences si Pacquiao sa Congress at hindi sya nakasama sa pagboto sa ilang batas; pero sana naalala nyo during his term nakapagpatayo sya ng ospital sa Saranggani, mga paaralan, maraming charity works, namahagi ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo sa buong bansa, inaayos din niya ang bilyong-bilyong buwis na kinuwa sa kanya ng BIR. Sige nga ikumpara nyo siya sa mga ilang buwayang kongresista?
- Why do we underestimate Manny? Isipin nyo, isa si Manny si pinakamayamang Pilipino, isa sa pinakamaimpluwensyang tao sa buong mundo (nalista siya sa Time Magazine), napanatili niya ang kanyang mga negosyo at yaman. Palagay nyo magagawa ng isang bobo yan, taong walang alam sa batas o sa negosyo? And if you think that he will be incompetent in the senate, then I can tell you that he can even hire 100 brilliant lawyers to help him create his own Bills in the senate. Kung may paraan siya, bakit hindi?
- Kung sa tingin ninyong maraming bobo ang naboboto sa senado, hindi nila kasalanan yun. Ang demokrasya nagpapahintulot sa kanila. We should respect and understand the votes of the majority.I will leave it to the words of Stephen Hawkings “HOW DO WE KNOW BETTER?”
Wednesday, May 11, 2016
DEPENSA KO SA PANGMAMALIIT NILA KAY MANNY PACQUIAO
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment