Sunday, May 15, 2016

Bakit kailangan natin ng mapanuring isip sa mundo ng Social Media?


Mahirap malaman ang katotohanan pero madaling magpalaganap ng kasinungalingan; ito ang realidad ng mundo, higit pa dito madaling maniwala ang mga tao sa mga nababasa at nakikita nila. 


LAHAT YATA TAYO AY NAGING BIKTIMA NG KATANGAHAN AT MUKANG MASARAP ITO,  KASI HINDI TAYO NADADALA.



Salamat na lang kina Mark Zuckerberg at sa iba pang nagimbento ng social media, dahil sa kanila nakakapaglabas tayo ng emosyon, komento, adbokasiya, pananaw  sa ating paligid at kahit yung mga walang KAKWENTA-KWENTANG BAGAY ay katalo na. 

Ika nga eh "WALANG BASAGAN NG TRIP!!!!!"


Mahal na mahal nating mga Pilipino ang pagiging Netizens natin. Lahat ata tayo ay may bahay na sa cyber space at gusto na din doon mamalagi. Doon kasi naririnig tayo, may nakakapansin at nararamdaman natin na mahalaga tayo. At mas nararamdaman natin na tayo ay mahalaga kapag maraming naglike at ng share ng post mo.


So, ang kahalagahan na pala ng pagkatao mo ay nakadepende sa dami ng likes at share mo?


Ang sagot ay depende rin sa pagkatao mo.


Pero anomang bagay na may mabuting epekto ay may masamang dulot din. Parang YINYANG lang yan. Lilinawin ko na hindi masama ang social media kundi yung mga taong gumagamit nito (lalo na yung may masamang pakay)

Ayaw na ayaw nating  nahahadalangan tayo sa ano mang gusto natin. We want FREEDOM! and we want FREE THINGS also! that's why we love Facebook, Tweeter, YouTube atbp...

Pero ang freedom at free things ay isang opportunity din para sa masasamang loob. Maliban sa nakakagoodvibes  at makabuluhang post;

ang social media ay isa ring malaking INIDORO para mailabas lahat ng EGO at NEGATIVITY ng mga tao, kaya minsan nakakasuka at mabaho rin sa loob ng social media,

ito rin ay nagsisilbing instrumento para siraan ang isang tao o grupo, ang tawag nga nila dito ay black propaganda, pwede rin itong gamitin para pagandahin ang imahe ng isang tao at pwede ring gamitin para mapalabas na TAMA ang mga MALI.






In short nagkalat na ang napakaraming maling impormasyon sa internet; dagdagan mo pa ng sandamukal ng kasinungalingan sa social media. Kaya nga high-tech na rin ngayon ang chismis, dati,kinuwento lang ito ng mga kapitbahay natin, ngayon  naka-post na ito at dumaan pa sa mahabang editing gamit ang Adobe Photoshop .






Ito na ata ang bagong shabu - ang SOCIAL SHABU, in which you create an illusion in the perception of the masses.  Walang tama at mali sa ilusyon.


So, ano nga ba ang reseta ni Doc dito? CRITICAL THINKING. Ganito lang kasimple:

suspend your judgement,
learn to verify the source,
understand the motive,
and if you have time or if you want, you can investigate.


I'm not saying na huwag na kayo maniwala sa lahat ng nakikita niyo sa social media, tandaan, na may mabuting dulot din ang PAGDUDUDA.




People are easy to believe because they are lazy thinkers. Remember, that your belief can affect your perception. Siguro naging biktima ka ng mga post at video na patay na si John Cena o buhay pa si Michael Jackson na sinasabing nagpatransplant ng bagong mukha para din na siya makikila ng tao or yung post na si Hitler ay buhay pa at nagteleport siya sa buwan during World War 2 para ipagpatuloy ang kanyang imperyo. Nakakatawa talaga pero mas nakakatawa yung mga taong madaling maniwala.














No comments: