Monday, May 16, 2016

Duterte's Federalism: Payag ka ba?





Umuusok na ang balita tungkol sa paghahanda ng Duterte Administration para palitan na ang sistema ng ating gobyerno. Noon pa man, Federalismo ang nakikitang sagot ni presumtive President Rodrigo Duterte. Naniniwala siya na ang paghihirap ng bansa ay nakaugat sa lumang sistema ng gobyerno. Ano nga ba ang Federalismo?

Ayon sa website na https://www.law.cornell.edu/wex/federalism:

"Federalism is a system of government in which the same territory is controlled by two levels of government. Generally, an overarching national government governs issues that affect the entire country, and smaller subdivisions govern issues of local concern. Both the national government and the smaller political subdivisions have the power to make laws and both have a certain level of autonomy from each other. The United States has a federal system of governance consisting of the national or federal government, and the government of the individual states."

Ibig sabihin ay magkakaroon ng dalawang level ng gobyerno isang Central or Federal Goverment at mga State Goverments. Nangangahulugan na ang National Capital Region ang ang magiging Central government at ang mga rehiyon sa Pilipinas ay magiging States Government. 

Sa Federal System, may autonomy ang bawat estado. May kapangyarihan  ang bawat estado na gumawa ng sariling batas, mangolekta ng sariling buwis at gumawa ng mga proyektong mas alam nilang makakabuti sa kanila. Sa kasalukuyang sistema, nakasentro sa Maynila ang buong kapangyarihan, kinokolekta nito ang malaking hati ng buwis pero hindi naibabalik ng pantay sa mga rehiyon. Ika nga eh masyado daw "Manilacentric" ang bansa natin, which is somehow totoo, kasi hindi na umaabot yung proyekto at programa ng gobyerno sa malalayong probinsya.




May kapangyarihan ding gastusin ng isang state governenment ang anumang kikitain ng gobyerno nito; pero obligado pa rin itong magbahagi ng kita sa central goverment depende kung ilang porsyiento ang itatakda ng pambansang konstitusyon. Ibig sabihin makararanas ng kalayaan at malawak na kapangyarihan ang isang state government sa anumang naisin nito para paunlarin ang sariling estado. 

Bawat estado ay maghahalal ng isang gobernador, narinig ko din kay dating Sen. Aquilino Pimentel na baka magkaroon din ng sariling senador ang bawat estado. Pero hindi pa malinaw kung anong istruktura ng Federal Government ang susundin dahil marami itong variation o baka bumuo na lang din ng sariling variation na akma sa ating kultura at lipunan.

Ang Central  Government pa rin ang pinakamakapangyarihan sa buong bansa pero nirerespeto nito ang kapangyarihan at autonomy ng bawat state governments. Kung ang bawat estado ay nakatuon kung paano papatakbuhin ang nasasakupan nito; and Central Government naman ay nakatuon sa pagpapatakbo ng buong bansa. Nirerespeto din ng States Governments ang kapangyarihan ng Central Government na mas nakakaangat ito. Ang buong kapangyarihan at karapatan ng Central at State Governments ay itatakda ng pambansang konstitusyon.



Ibig sabihin, para maisakatuparan ito, kinakailangan ng malawakang pagbabago ng Saligang Batas ng Pilipinas. Magastos at matagal din ang prosesong ito bago matapos ng Kongreso kaya kung nanaisin ito ng sambayanang Pilipino kailangan nating magtiyaga ng ilang taon.


Ang Pangamba ko sa Federalismo

Meron din akong agam-agam sa sistemang ito. Hindi ko naman gustong maging kontra- bida, pero naniniwala ako na lahat pagbabago ay laging may risk. 

Kung hindi magiging  makapangyarihan ang Central Government ayon sa itatakda ng pambansang konstitusyon, may tendency na humilaway na ang ibang States Goverment. Baka maging daan ito sa pagkakahati ng bansang Pilipinas, tutal, kaya naman ng mga States Governments patakbuhin ang sarili nito. Maaring maghiwa-hiwalay na ang Luzon, Visayas at Mindanao. Ayaw ko namang isipin na imposible ito, alam naman natin kung gaano kalala ang pulitika dito sa atin. 

Isa pa sa naiisip kong magiging problema ay baka ang mga mayayamang pamilya pa rin ang maghahari o magmaniobra ng buong estado. Isipin mo na kung gagawing isang state government ang isang dating rehiyon, sigurado ako na gagawa ng paraan yung mayayamang pamilya para makaposisyon sa bagong sistema. Kung mangyayari ito, mas magiging malakas pa sila kumpara sa dating sistema, kasi nga  may autonomy ang bawat estado at hindi sila basta-basta pwedeng pakialaman ng central government.

Sa ganang akin, sangayon ako sa Federalismo; kailangan lang  na pabor sa  mga maralita ang bagong sistema. Hindi yung pinalitan mo lang yung istruktura ng gobyerno pero ganun pa rin ang kultura,hindi pa rin pantay ang distribusyon ng yaman ng bansa at higit sa lahat, kawawa pa rin ang mga manggagawang Pilipino.

Sangayon ka rin ba?




Sunday, May 15, 2016

Bakit kailangan natin ng mapanuring isip sa mundo ng Social Media?


Mahirap malaman ang katotohanan pero madaling magpalaganap ng kasinungalingan; ito ang realidad ng mundo, higit pa dito madaling maniwala ang mga tao sa mga nababasa at nakikita nila. 


LAHAT YATA TAYO AY NAGING BIKTIMA NG KATANGAHAN AT MUKANG MASARAP ITO,  KASI HINDI TAYO NADADALA.



Salamat na lang kina Mark Zuckerberg at sa iba pang nagimbento ng social media, dahil sa kanila nakakapaglabas tayo ng emosyon, komento, adbokasiya, pananaw  sa ating paligid at kahit yung mga walang KAKWENTA-KWENTANG BAGAY ay katalo na. 

Ika nga eh "WALANG BASAGAN NG TRIP!!!!!"


Mahal na mahal nating mga Pilipino ang pagiging Netizens natin. Lahat ata tayo ay may bahay na sa cyber space at gusto na din doon mamalagi. Doon kasi naririnig tayo, may nakakapansin at nararamdaman natin na mahalaga tayo. At mas nararamdaman natin na tayo ay mahalaga kapag maraming naglike at ng share ng post mo.


So, ang kahalagahan na pala ng pagkatao mo ay nakadepende sa dami ng likes at share mo?


Ang sagot ay depende rin sa pagkatao mo.


Pero anomang bagay na may mabuting epekto ay may masamang dulot din. Parang YINYANG lang yan. Lilinawin ko na hindi masama ang social media kundi yung mga taong gumagamit nito (lalo na yung may masamang pakay)

Ayaw na ayaw nating  nahahadalangan tayo sa ano mang gusto natin. We want FREEDOM! and we want FREE THINGS also! that's why we love Facebook, Tweeter, YouTube atbp...

Pero ang freedom at free things ay isang opportunity din para sa masasamang loob. Maliban sa nakakagoodvibes  at makabuluhang post;

ang social media ay isa ring malaking INIDORO para mailabas lahat ng EGO at NEGATIVITY ng mga tao, kaya minsan nakakasuka at mabaho rin sa loob ng social media,

ito rin ay nagsisilbing instrumento para siraan ang isang tao o grupo, ang tawag nga nila dito ay black propaganda, pwede rin itong gamitin para pagandahin ang imahe ng isang tao at pwede ring gamitin para mapalabas na TAMA ang mga MALI.






In short nagkalat na ang napakaraming maling impormasyon sa internet; dagdagan mo pa ng sandamukal ng kasinungalingan sa social media. Kaya nga high-tech na rin ngayon ang chismis, dati,kinuwento lang ito ng mga kapitbahay natin, ngayon  naka-post na ito at dumaan pa sa mahabang editing gamit ang Adobe Photoshop .






Ito na ata ang bagong shabu - ang SOCIAL SHABU, in which you create an illusion in the perception of the masses.  Walang tama at mali sa ilusyon.


So, ano nga ba ang reseta ni Doc dito? CRITICAL THINKING. Ganito lang kasimple:

suspend your judgement,
learn to verify the source,
understand the motive,
and if you have time or if you want, you can investigate.


I'm not saying na huwag na kayo maniwala sa lahat ng nakikita niyo sa social media, tandaan, na may mabuting dulot din ang PAGDUDUDA.




People are easy to believe because they are lazy thinkers. Remember, that your belief can affect your perception. Siguro naging biktima ka ng mga post at video na patay na si John Cena o buhay pa si Michael Jackson na sinasabing nagpatransplant ng bagong mukha para din na siya makikila ng tao or yung post na si Hitler ay buhay pa at nagteleport siya sa buwan during World War 2 para ipagpatuloy ang kanyang imperyo. Nakakatawa talaga pero mas nakakatawa yung mga taong madaling maniwala.














Wednesday, May 11, 2016

DEPENSA KO SA PANGMAMALIIT NILA KAY MANNY PACQUIAO


  1. Hindi kasalanan ni Manny kung manalo sya sa pagkasenador; at huwag nyo ring isipin na dahil hindi nakapasok yung iniiisip nyong “mas deserving-senators” eh si Pacquiao na naman ang dapat sisihin. Bakit hindi nyo sisihin yung kandidato nyo kung hindi siya nakapasok; hindi lang sapat na may malalim kang  adbokasiya; kailangan mo rin nang masusing plano at estratehiya para makuwa mo ang tiwala ng taong-bayan. In fairness, nagawa yun ni Manny kasi nasa top twelve sya ngayon; hindi yun tsamba or nagkamali lang ang taong-bayan sa pagpili sa kanya.
  2. Ang bumoto kay Mayor Duterte ay nasa 15 milyon, ang bumuto naman kay Manny ay nasa 15 milyon din, and he is ahead of Leila De Lima (As of May 10, 9 pm). Napakasimple, hindi naman siguro tanga o nagkamali lang yung 15 milyon sa pagboto sa kanya. Ibig sabihin din, hindi lang tumitingin sa scholastic achievement ang mga Pilipino, kundi sa kakayahan din nitong tumulong sa bayan.
  3. Totoo na maraming absences si Pacquiao sa Congress at hindi sya nakasama sa pagboto sa ilang batas; pero sana naalala nyo  during his term nakapagpatayo sya ng ospital sa Saranggani, mga paaralan, maraming charity works,  namahagi ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo sa buong bansa, inaayos din niya ang bilyong-bilyong buwis na kinuwa sa kanya ng BIR. Sige nga ikumpara nyo siya sa mga ilang buwayang kongresista?
  4. Why do we underestimate Manny? Isipin nyo,  isa si Manny si pinakamayamang Pilipino, isa sa pinakamaimpluwensyang tao sa buong mundo (nalista siya sa Time Magazine), napanatili niya ang kanyang mga negosyo at yaman. Palagay nyo magagawa ng isang bobo yan, taong walang alam sa batas o sa negosyo? And if you think that he will be incompetent in the senate, then I can tell you that he can even hire 100 brilliant lawyers to help him create his own Bills in the senate. Kung may paraan siya, bakit hindi?
  5. Kung sa tingin ninyong maraming bobo ang naboboto sa senado, hindi nila kasalanan yun. Ang demokrasya nagpapahintulot sa kanila. We should respect and understand the votes of the majority.

    I will leave it to the words of Stephen Hawkings  “HOW DO WE KNOW BETTER?”