Ayon sa website na https://www.law.cornell.edu/wex/federalism:
"Federalism is a system of government in which the same territory is controlled by two levels of government. Generally, an overarching national government governs issues that affect the entire country, and smaller subdivisions govern issues of local concern. Both the national government and the smaller political subdivisions have the power to make laws and both have a certain level of autonomy from each other. The United States has a federal system of governance consisting of the national or federal government, and the government of the individual states."
Ibig sabihin ay magkakaroon ng dalawang level ng gobyerno isang Central or Federal Goverment at mga State Goverments. Nangangahulugan na ang National Capital Region ang ang magiging Central government at ang mga rehiyon sa Pilipinas ay magiging States Government.
Sa Federal System, may autonomy ang bawat estado. May kapangyarihan ang bawat estado na gumawa ng sariling batas, mangolekta ng sariling buwis at gumawa ng mga proyektong mas alam nilang makakabuti sa kanila. Sa kasalukuyang sistema, nakasentro sa Maynila ang buong kapangyarihan, kinokolekta nito ang malaking hati ng buwis pero hindi naibabalik ng pantay sa mga rehiyon. Ika nga eh masyado daw "Manilacentric" ang bansa natin, which is somehow totoo, kasi hindi na umaabot yung proyekto at programa ng gobyerno sa malalayong probinsya.
May kapangyarihan ding gastusin ng isang state governenment ang anumang kikitain ng gobyerno nito; pero obligado pa rin itong magbahagi ng kita sa central goverment depende kung ilang porsyiento ang itatakda ng pambansang konstitusyon. Ibig sabihin makararanas ng kalayaan at malawak na kapangyarihan ang isang state government sa anumang naisin nito para paunlarin ang sariling estado.
Bawat estado ay maghahalal ng isang gobernador, narinig ko din kay dating Sen. Aquilino Pimentel na baka magkaroon din ng sariling senador ang bawat estado. Pero hindi pa malinaw kung anong istruktura ng Federal Government ang susundin dahil marami itong variation o baka bumuo na lang din ng sariling variation na akma sa ating kultura at lipunan.
Ang Central Government pa rin ang pinakamakapangyarihan sa buong bansa pero nirerespeto nito ang kapangyarihan at autonomy ng bawat state governments. Kung ang bawat estado ay nakatuon kung paano papatakbuhin ang nasasakupan nito; and Central Government naman ay nakatuon sa pagpapatakbo ng buong bansa. Nirerespeto din ng States Governments ang kapangyarihan ng Central Government na mas nakakaangat ito. Ang buong kapangyarihan at karapatan ng Central at State Governments ay itatakda ng pambansang konstitusyon.
Ibig sabihin, para maisakatuparan ito, kinakailangan ng malawakang pagbabago ng Saligang Batas ng Pilipinas. Magastos at matagal din ang prosesong ito bago matapos ng Kongreso kaya kung nanaisin ito ng sambayanang Pilipino kailangan nating magtiyaga ng ilang taon.
Ang Pangamba ko sa Federalismo
Meron din akong agam-agam sa sistemang ito. Hindi ko naman gustong maging kontra- bida, pero naniniwala ako na lahat pagbabago ay laging may risk.
Kung hindi magiging makapangyarihan ang Central Government ayon sa itatakda ng pambansang konstitusyon, may tendency na humilaway na ang ibang States Goverment. Baka maging daan ito sa pagkakahati ng bansang Pilipinas, tutal, kaya naman ng mga States Governments patakbuhin ang sarili nito. Maaring maghiwa-hiwalay na ang Luzon, Visayas at Mindanao. Ayaw ko namang isipin na imposible ito, alam naman natin kung gaano kalala ang pulitika dito sa atin.
Isa pa sa naiisip kong magiging problema ay baka ang mga mayayamang pamilya pa rin ang maghahari o magmaniobra ng buong estado. Isipin mo na kung gagawing isang state government ang isang dating rehiyon, sigurado ako na gagawa ng paraan yung mayayamang pamilya para makaposisyon sa bagong sistema. Kung mangyayari ito, mas magiging malakas pa sila kumpara sa dating sistema, kasi nga may autonomy ang bawat estado at hindi sila basta-basta pwedeng pakialaman ng central government.
Sa ganang akin, sangayon ako sa Federalismo; kailangan lang na pabor sa mga maralita ang bagong sistema. Hindi yung pinalitan mo lang yung istruktura ng gobyerno pero ganun pa rin ang kultura,hindi pa rin pantay ang distribusyon ng yaman ng bansa at higit sa lahat, kawawa pa rin ang mga manggagawang Pilipino.
Sangayon ka rin ba?